miss ko na ang ´pinas

mahigit isang buwan na rin ako ng umalis ng pinas. marami-rami na rin akong napuntahan na iba´t-ibang lugar sa california ng tatlong linggo, at ngayon ay mahigit dalwang linggo na rin ako dito sa costa rica. kung tutuusin, di ko naman dapat ma-miss ang ´pinas dahil halos parehas lang sila ng costa rica pagdating sa ilang bagay. pero siempre may mgha ilang bagay din akong super nami-miss sa ating bansa. tulad na lamang ng mga sumusunod:

 

1. miss ko na ang lutong pinoy: ang adobo, sinigang, tinola, nilagang baka, kangkong with bagoong, menudo, paksiw na tiyan ng bangus at marami pa. masarap naman ang pagkain dito. halos parahas din sa atin. kaso nga lang, iba pa rin ang sarap ng lutong pinoy.

 

2. miss ko na rin ang pink fences ni bayani. oo, ang mga overpass, urinals at kung anu-ano pang pauso ni BF. eh kasi dito, parang ang tinuro lang ata eh oobey the stop lights. nakakatakot tumawid, mausok at gitgitan sa daan. gusto ko na ngang i-email si BF at magbakasyon sandali dito sa Costa Rica at kausapin ang MMDA counterpart nila dito.

 

3. miss ko na ang mga teleseryes, news at ang eat bulaga. syempre naman, puro espanyol ang mga palabas. meron din namang English pero syempre, miss ko na ang mga mukha ni john lloyd at bea, ang patawa ni bossing at ang moves ni john wayne at maja.

 

4. miss ko na ang eskwelahan! ang magturo, ang mga estudyante, ang mga co-teachers kong loka2, ang classroom ko. naging teacher-aide ako ng isang araw sa kaibigan kong tica (short for costaricense) sa klase niya para sa mga pre-school. pero iba pa rin, kasi syempre, language barrier at kaliit nila (1 year old to 4 years old!). iba pa rin ang kulit ni Gio at Francis!

 

5. miss ko na ang malls! may mga mall naman dito pero iba parin ang mall sa maynila. maramingpagpipilian at malamig! haay… kahit sta. lucia na nga lang, pinapatulan ko na…

 

6. miss ko na ang tricycles, jeeps at pedicabs! haay bnaku, mapupudpod ang paa mo dito sa kakalakad, at lalaki ang legs mo dahil  kilometres ang usapan dito pagdating sa lakaran! parang mula sa bahay namin hanggang sta. lucia ang lakaran. o kaya parang mula sm north edsa hanggang sm megamall ang lalakarin mo bago ka makalabas ng village. saan ka pa?

 

7. miss ko na ang computer ko. miss ko na ang sariling internet, sariling PC, yung di ka nagpapa-alam kelan ka gagamit at di ka mangangapit bahay para makagamit ng internet. miss ko na rin ang mga pictures at music sa PC ko.

 

8. miss ko na rin ang i-express ang sarili ko ng todo! dahil nga limited lang ang alam kong Espanyol, minsan eh sign language na lang ang ginagamit kopara ma-express ang sarili ko. lalo na kapag yung gusto kong sabihin eh di ko ma-tranlate sa English tapos sa Espanyol! kawawa..

 

9. miss ko na ang makakakita ng maraming kaibigan at makipagtelebabad! dahil mahal ang bilihin dito, bawat segundo ata o minuto ng telepono ay may bayad. equivalent to 2 pesos kada minuto/segundo.

 

10. at syempre, miss ko na ang aking pamilya. lalo na ang askal naming si Ragged. miss ko na ang tahol niya, ang amoy niya at ang ppaglalambing niya. may mga aso naman dito kaso di ata uso dito ang maliit na aso. the bigger the better ata ang motto nila dito.

 

dalawang taon din ako mawawala sa pinas. alam ko mas marami pa akong maisusulat sa susunod tungkol sa mga nami-miss ko. pero sa ngayon, eto na langh muna. ayokong umiyak sa shower mamya habang kumakanta ng lupang hinirang di ba? *wink*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s