ibang level na

nakausap kita ng hindi sinasadya sa YM isang beses. matagal-tagal na rin kitang hindi nakakausap simula nung umalis ako ng ‘pinas. oo, aaminin ko, minsan pumapasok ka pa rin sa isip ko; kung kumusta ka na ba at kung masaya ka na sa piling ng iba. wala naman akong hurts dun sa latter part, mas okay nga sa akin kung malaman kong may matatawag ka ng girlfriend, hindi syota o sideline lang.

sa totoo lang, na-excite ako ng sinabi sa akin ng friend natin na pwede kitang maka-YM. dali-dali naman akong nangulit nung on-line ka na. alam kong effort sa iyo minsan ang magkwento o magpakamusta, pero salamat kasi hinayaan mo ko na kamustahin kita. nag-worry din ako ng akala ko na-offend kita sa mga hirit ko (dahil nga below the belt na rin nga naman) at hindi ka na nag-reply. yun pala ay umalis ka lang sandali.

pagkatapos nating mag-usap, nasabi ko na lang sa sarili ko, after all ng nangyari sa atin, may care pa rin pala ako sa iyo. na kahit sira ulo ka pa rin ngayon, eh may espacio ka pa rin sa buhay ko. di na nga lang ganun kalaki, pero pwede pa ring masabing espesyal ka pa rin sa iba. yun na nga lang, hindi na ganun katindi at ngayon, wala na rin akong balak gawin ng kung ano sa sitwasyon natin. kung baga, natanggap ko na na hanggang dito na lang talaga tayo.

na-miss lang kita, yun lang. salamat kasi, kahit sandali, pinabilis mo uli ang takbo ng puso ko. buti na lang, magaling ito sa direction, nakabalik on time. =p di bale, sa susunod siguro na mag-usap tayo, baka maglakad na lang ito. *wink*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s