mga nakakahiyang hirits, anecdotes at kung ano pa dito sa Costa Rica

1. pauwi na si jeoff at si francisco at magpapaalam na sila. ng ang nasabi ni jeoff “adios tia, nos voy!” (di namin alam kung siya lang ba ang aalis o isasama ba niya si francisco)

2. ang aking pecado-pescado incident (read the previous entry)

3. ng minsan nasabi ko na ang premyo sa game ay jugo de khyme. at buti na lang may nag-react na ayaw niya dahil bastos daw. dapat daw jugo de mannzanas, jugo de peras, hindi jugo de khyme. (matagal ko pa siya na-gets, kung di  siya thouroughly inexplain ng 3 tao)

4. lumagpas ako sa bababaan kong bus stop dahil hindi ko mahanap ang pam-para. at kineilangan ko pang maghintay ng may bababa bago ako makababa ng bus

5. nailibre ako minsan  sa parque diversiones, ang enchanted kingdom nila dito. dahil ayokong pumunta sa scary house, humiwalay ako sa grupo. sumakay ako ng ferris wheel at ewan ko ba, yung operator, may pinasakay sa tabi ko na lalaki na hindi ko kakilala. eh dahil nakakatakot yung ride, kineilangan kong tanungin yung pangalan niya para maisigaw ko ang pangalan niya at sabihing ayoko na!!!! (yung sakayan ng ferris wheel eh pwede pang umikot-ikot. talagang buwelta)

6. bumili ako ng gulay sa tindahan ng gulay at prutas. may tinda silang empanaditas, yung paborito ko pang flavor. bumili ako ng 5. aba, hindi pa ako nakuntento, nanghingi pa ako ng gratis (libre. dahil suki kasi namin)

7. naglalakad kami nila joji at eds sa sta. ana. kwento, kwento, kwento. at bigla na lang ako nawala sa eksena. bakit? ayun, asa lapag na ako, natapilok dahil hindi tinitingnan ang dinadaanan

8. tinataguan ko si francisco minsan sa telefono. sabi ko kay tia “estoy no aqui”. tumawa lahat. ang confident ko pa daw, wrong grammar naman

9. rule na kasi dito sa bahay namin ang magsalita ng spanish. kahit barok ka, basta try mo. minsan, passionately kong kwinekwento sa host family ko yung activity namin in english. sabi niya “khymie, en español, por fa”. tapos nagsalita na ako. bigla na lang siya nagsalita “atakatakatakatak, gracias” (ibig sabihin, di niya naintindihan). tumigil ako, nag-isip. at natawa dahil na-realized ko, kinakausap ko siya sa kapampangan!

10. kagagaling ko lang sa spanish lesson namin nung umaga at last day na namin. sabi ng teacher namin, sa aming apat na estudyante niya, ako na daw ang top sa pagsasalita ng spanish. so pag-uwi ko, syempre parang pre-schooler lang na nagmalaki ako sa tiya ko na top nga ako. tapos ng bigla niya akong kinausap sa spanish, ala, nakakahiya! wala akong maisagot, ni hindi ko maintindihan! at tawa siya ng tawa dahil paano daw ako naging top eh andali na lang ng question niya, di ko pa nasagot? (which, i later found out, tinatanong lang niya ako kung may tumawag sa kanya)

mag-iipon pa ako ng iba pang kwento. hindi pa ‘to masyadong nakakahiya. pero kapag nakaipon na ako ng mas marami, at mas ikakatakip ko ng mukha, iblo-blog ko agad, promise. =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s