isang malungkot na entry.

hanggang kelan kaya dapat humingi ng tawad sa isang tao?

‘yan ang tanong ko ngayon sa utak ko pagkatapos malaman na pagkatapos ng dalawang buwan na paghingi ng tawad sa isa sa mga pinaka-malapit kong kaibigan, eh galit pa rin siya.

iniisip ko ngayon kung mali ba na naging brutally honest ako sa kanya at sana tinago ko na lang at nabulok na lang sa puso ko. confident ako ng kinausap ko siya nung gabing iyon, alam ko na honesty will make or break our friendship but it is the right and loving thing to do. but then, what happened?

hindi ba enough na matagal na kaming magkaibigan? hindi ba enough na parehas kami ng passion na mag-serve kay God? hindi ba enough na itinuturing niyo ang isa’t-isa na matalik na magkaibigan?

sana test of friendship lang ito. sana matapos na ito. at sana hindi na ako matakot sa muli naming pagkikita.

kasi sa ngayon, binabasag niya ang puso ko.

*   *   *

siguro ako din, mahirap magpatawad. o mas, makalimot.

inaamin ko, na kapag nag-sorry ka na sa isang maling bagay na nagawa mo, pero patuloy mo pa ring inuulit, asahan mong may possibility na ididikdik ko sa iyo yan. (minsan lang naman at sa mga iilang tao lang)

kaya siguro, ganun kahirap ngayon ang pinagdadaanan ko sa kaibigan ko.

*   *   *

at isa pa sa ikakabasag ng puso ko, ay yung napakalayo mo sa mga taong mahal mo tapos malalaman mong nagkakagulo sila at wala kang magawa.

kadami ng nangyayari sa ‘pinas, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa community. pero wala akong magawa. dahil malayo ako.

*   *   *

may magagawa pala ako. ang magdasal.

at yun ang pinaka-kelangan ko ngayon, dahil wala akong magagawa, dahil hindi ko control ang mga bagay-bagay.

at eto lang naman ang magpapahupa ng pagkabasag ng puso ko ngayon. si God lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s