lahat, sulit.

nung college ako, lagi kong naiisip na pinaka-noble na trabajo ang pagiging guro. Kasi sila ang nagtuturo sa mga estudiante ng mga bagay na dapat nila malaman para sa kanilang magiging propesyon. Kaya pinangarap kong maging guro para maka-dagdag sa kaalaman ng mga magiging estudiante ko.

 

Pero nag-iba lahat ng maging misionera ako. Iba rin pala ang hirap ng pagiging isang misionera: kinailangan kong iwan lahat – pamilya, mga kaibigan, magandang trabaho, lahat ng komportable – para lang pumunta sa ibang bansa na wala akong kakilala, ibang kultura, bagong linggwahe, para lang pakilala si Kristo sa mga taong hindi pa siya nakikilala.

 

Sa totoo lang, hindi naman mataas ang bayad sa isang misionero kahit nasa ibang bansa ka magtrabaho. Kung malalaman mo lang kung magkano ang kinikita ng isang misionero kada buwan, magtataka ka kung paano kami nabubuhay sa araw-araw. Pero siguro nga, hindi maiintindihan ng mga tao, na nabubuhay ang bawat misionero sa kabutihan ng mga tao at sa lahat ng regalo ng Diyos. At kung tutuusin, mas mayaman kaming mga misionero sa kahit sino pa mang pinaka-mayaman sa buong mundo dahil kahit saan, meron kaming pamilya, may matutuluyan kami, at di kami magugutom. At lahat ng ito, libre dahil sa kumpiyansa namin sa Diyos na di niya kami pababayaan.

 

Kaya naisip ko, habang papauwi ako kagabi galing sa isang miting, na lahat ng iniwan ko sa Filipinas, ay sulit lalo na kapag nakikita ko ang mga ngiti ng mga taong nagpapasalamat dahil pinakilala mo si Kristo sa kanila, ang mga salita na sinasabi sa iyo kung paano mo sila na-inspire at maramdaman mo lang na mahal ka ng mga taong ‘to na kailan man eh di mo inakalang makikikilala mo, dahil binigay mo ang buhay mo para pagsilbihan si Kristo.

 

Ang lahat ng sakripisyo, sulit talaga. Para kay Kristo. Para sa Diyos ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s