judy ann moment with God

jologs man kung jologs, idol ko si judy-ann. walang pakielamanan. as in lahat ng teleseryes at movies niya napanood ko na (except ngayon kasi wala ako sa pinas). aminado ako na nakakadagdag ako sa porsyento kung bakit box-office ang mga movies niya at nagto-top ang mga teleseryes nya sa tv.

kaya naman, minsan naa-adapt ko na siya sa buhay ko. parang yung mga noranians at vilmanians, kung paano nilaΒ kinokopya ang buhay ng mga idols nila.

lately, nagamit ko si judy ann sa buhay ko. i just came from a so-called heartbreak. dahil kelangan kong umiyak at hindi pwede sa bahay namin, naglakad ako ng 15 minutos para makapunta sa simbahan. habang naglalakad, tumutulo na ang luha ko. sabi ko sa sarili ko, huwag muna, nakakahiya. kaya binilisan ko ang lakad papuntang simbahan.

asa pintuan pa lang ako, tumutulo na yung luha ko. lalo na nung naglalakad ako ng dahan dahan sa gitna ng simbahan, nakatingin sa cross at kinakausap si God. ng makahanap ng space, dun na ako umupo at humagulgol, sabay sabi ng script na “bakit ang sakit magmahal, Lord? ayoko na!!!” may mga moments na napapapigil ako umiyak dahil akala ko okay na, tapos bigla ko maaalala yung mukha nung lalaking yun at unti-unting tutulo uli ang luha ko. sabay sabi kay God “pagod na ako Lord… hindi kaya pang-blesed singleness na lang ako? eh ang bata ko pa po!” hagulgol uli. parang walang pakielam sa ibang taong nagdadasal sa loob ng simbahan. daig ko pa ang namatayan. hikbi dito, hikbi duon. makalipas ng 30 minutos, nahimasmasan na rin ako, nagdesisyon tumayo at sinabing “Lord, ngayon lang ‘to na ayaw ko ng magmahal. matatapos rin ‘to at magmamahal uli ako. pero sa ngayon, ayaw ko po muna dahil masakit.” sabay labas ng simbahan na parang walang nangyari at ngiti lang sa kahit sinong taong makita ko.

parang isang scene sa pelikula no? di ko akalain na nagawa ko ‘yan. at ngayon na pag naalala ko siya, natatawa na lang ako at sinasabi sa sarili ko, aba, naging judy ann ako for a moment ha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s