nakakabaliw ang ulan

Dalawa lang ang panahon dito sa Costa Rica: verano at imbierno. Ang verano ay ang tag-araw nila dito, usually mga December hanggang May. Ang imbierno naman ang kanilang tag-ulan. Eto rin yung tinatawag nilang winter season, minus the snow, at usually mga June hanggang November ito.

 

Dahil panahon nga ng imbierno ngayon, asahan mong laging umuulan. At hindi lang basta ulan, parang signal no.1 na sa ‘pinas yun (kaso nga lang wala silang ganun dito). Puro fog (o nibelina) pa yung daanan, tipo bang tinalo pa ang fog ng baguio o tagaytay, dahil literal na wala ka ng masisilayang daanan, parang nasa isa kang ghost town at usok lang ang nakikita mo. At surprise, surprise na lang lagi pag may nasasalubong ka sa makapal na fog! Pero ang nakakatawa diyan, kahit maraming fog, di naman ganun malamig. Malamig lang kapag umuulan.

 

My new fashion statement

Okay, balik tayo sa ulan. Naka-schedule ang ulan dito: pagdating ng 12:00 ng tanghali, bigla na lang didilim ang langit, para bang automatic na o kaya may nagswi-switch off ng araw. Kaya kahit maaga ka umalis ng bahay, at sa tingin mo napakaganda ng araw dahil walang kabahid-bahid na bakas ng dilim sa langit, ay, wag kang pakiseguro. Sa ‘pinas, never kong na-experience ang mag-kapote. Pero dito, dahil nga malakas ang ulan at bilang ang damit mo (so di ka pwedeng mabasa at magpalit dahil mahirap maglaba ng kakaonting damit) bumili na ako ng kapote. Kulay berde ito (na mukha akong puno) at partner nito ang pinakamamahal kong payong na nabili ko sa watson’s (na na-realized ko later on na pang tag-araw lang talaga ito). So, kahit baduy, kahit ayaw ko, i got used to it. Kumbaga, isa na ‘to sa mga bagay na di ko pwedeng kalimutan pag lumabas ako ng bahay. Kung hindi… pwede ko ng kantahin yung kanta ng Aegis na “basang-basa sa ulan… walang masisilungan…”

 

Minsan, naglalakad kami ni Ate Marie (yung isang misyonera dito) ng bigla na lang bumuhos ang ulan. Walang patak na mahina, parang bigla na lang binuksan yung shower tapos ayun, basang-basa kami. Nakalimutan namin tumingin sa langit kung madilim na ba o alamin yung oras kung lagpas na ba ng 12:00 ng tanghali. Eh kasalukuyan kaming naglalagay ng mga bulletins sa paligid ng mga panahong ito (at yung isa ay habang naghihintay kami ng bus pauwi). At sa sobrang kabasaan, nakaimbento kami ng mga kanta tungkol sa ulan. (naisip namin na pwede na itong pang-worship pag tag-ulan! In 3 languages pa: Spanish, tagalog and english! San ka pa! Hahaha)

                                                                                                         

I.                    Enamojado (in the tune of Enamorado)                                                      

Enamojado na kami, enamojado (enamojado means wet)

Enamojado na kami (2x)

 

Enamojado ka na, enamojado na ako

En mi misyon tengo sombrilla (tengo sombrilla means i have my umbrella)

Mi kapote y mi jacket / havaiianas (Repite)

 

Sombrilla ni Khyme, akin na; Sombrilla ni Marie, sira na

Sombrilla ni Jeoffrey, pinahiram niya; sombrilla ni Francisco, wala siya

 

Kawawang misyoneros, basang-basa na sa ulan (2x)

II.                  En el ulan (in the tune of En el Hogar)

En el ulan, (3x) tu necesitas autobus (it menas in the rain, you need a bus) (3x)

Mira que padating na siya (Mira means look!) (2x)

Ang autobus, nandito na!

 

III.                I give my clothes (in the tune of I give my all)

Blessed my life, take away the rain

Allow me to experience to be dry again

Feel my clothes, it’s dirty and wet

Make me dry again Lord, clean my dirty clothes

 

I offer my clothes to you Lord

With all my strength i say to you

 

And i give my clothes (take them coz they’re wet)

I am yours Oh God (dry me in your arms)

And i’ll give you praise (and my umbrella too)

Till the end of this rain, i give my all…

 

Iyan ang nagagawa ng ulan. Nakakabaliw ng mga misyoneros sa ibang lugar. Kaya kung kayo ay pupunta dito sa Costa Rica, siguraduhing may dalang kapote kung ayaw niyong magaya sa 2 misyonerang nabaliw ng dahil sa ulan. hehe

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s