birthday wish

tinawagan ko ang kaisa-isa kong pamangkin kahapon para batiin ng “happy birthday”

alas-siete ng umaga nun. at nagising ko siya.

7 years old na siya at may party siya sa hapon.

at ng sinabi kong “good morning beats! si tita khyme ‘to!”

ang sagot lang niya…

ay isang malakas na hagulgol…

nung una, ayaw niya ako kausapin, naririnig ko lang siya umiiyak. sabi ko sa ate ko, sige babatiin ko lang siya pakisabi.

at ng nakausap ko na siya, eto ang sinabi:

“happy birthday beats! bakit ka umiiyak?”
“eh tita, malungkot po kasi ako eh.”
“bakit naman? birthday mo nga tapos may handa ka pa…”
“eh kasi wala ka dito. wala na nga si daddy, wala ka pa dito.”
“okay lang iyan, kaya nga kita tinawagan kasi di ba nag-promise akong tatawagab kita sa birthday mo?”
“kahit na tita, malungkot pa rin ako. birthday gift mo na lang po sa akin eh uwi na lang kayo dito… miss na miss na kita tita khyme!” sabay bigay sa nanay niya at patuloy ang pag-hagulgol…

at nung naka-usap ko ang ate ko, kwinento niya na 2 gabi na umiiyak si beats dahil nga nami-miss na niya ako… ano bae, ako din kaya!!!

pero siyempre, isa ito sa mga na-miss at mami-miss pa na mga importanteng pangyayari sa buhay ko…

at ang tanging pwede kong gawin eh ipagdasal sila

at tawagan sla kapag may pera…

haay, nakaka-miss… pero onting tiis lang… kakayanin din.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s