My first Christmas away from home

 

BABALA: Oooops, baka magtaka ka bakit Tagalog ang nababasa mo samantalang ang titulo ay nakasulat sa Ingles. Nalilito kasi ako sa translation nito sa Tagalog kaya Iningles ko na lang. Etong kwento ko ay nakasulat sa Tagalog. Huwag kang mag-alala, hindi naman sa malalim na Tagalog tulad ng mga Batagueño, simpleng Tagalog lang ; una, dahil Pasko naman at pangalawa, lagi na lang Espanyol o kaya minsan naman ay Ingles ang salita dito kaya para maiba naman.

 

Habang sinusulat ko itong kwento ko ay nasa kontinente ako ng Amerika, sa bansang Costa Rica, na ang tanging linggwahe lamang ay Español, at kakaunting porsyento lamang ang nagsasalita ng Ingles. Eto ang unang pasko ko na malayo sa aking pamilya, literal at hindi literal (okay, hindi ko alam i-tagalog ang figuratively). Ngayong isang tulog na lang ang Pasko, mas lalo ko nararamdaman ang pagka-homesick. Homesick hindi lang sa pamilya kundi yung mga tradisyong kinalakihan mo: ang simbang gabi, ang puto bumbong at bibingka na nakikipag-away ka pa para may matira lang sa iyo dahil laging napapakyaw, ang mga batang nangangaroling, na kahit minsan ay sintunado at gusto mo ng batuhin o kaya naman wala kang barya na pwedeng ibigay, eh dahil nga sa season of Christmas eh hindi mo magawa; miss kong marinig ang walang kamatayang pagpapatugtog sa radyo ng national anthem tuwing pasko, ang “Pasko na sinta ko”; miss ko na ang makipag-siksikan sa Divisoria o kaya sa Quiapo para makabili ng murang regalo; ang mag-text sa mga kaibigan at sabay kayong mag-count down bago mag-pasko; ang mag-phone brigade para bumati ng “Merry Christmas! Anong handa niyo?”; ang Christmas countdown special ng ABS-CBN o kaya GMA, at syempre, ang sabay-sabay na pag-sigaw niyo ng buong pamilya ng Merry Christmas sabay kain…

 

Ngayong sinusulat ko ito, bigla ko lang naisip ang hirap na dinadanas ng mga OFWs kapag di sila nakakauwi ng Pinas para sa Pasko. (isipin mo na lang lalo yung mga TnT na walang magawa dahil nga sila ay nagtatago).Naramdaman ko lang na mahirap pala maging OFW, sa amin nga lang eh OMW-Overseas Mission Workers – dahil gustong-gusto mong umuwi pero dahil sa trabaho, wala kang magawa. Kami naman, dahil sa committment na ginawa namin at sa walang budget din, kaya di kami makabalik.

 

Pero maniniwala ka bang masaya ako ngayong Pasko kahit nami-miss ko yung mga sinulat ko kanina? Hindi dahil sa pinapaniwala ko yung sarili ko na masaya ako para di ko lang maramdaman yung lungkot. Pero sa totoo lang, masaya talaga ako. Sa buong 24 taon ng buhay ko, isa ito sa mga pinaka-masayang Pasko na mararanasan ko, samantalang etong Paskong ito dapat ang pinaka-malungkot; malayo ka na nga sa pamilya mo, wala ka pang perang pambili ng regalo.

 

Pero masaya ako. Masaya ako dahil first time ko nga na malayo sa pamilya at kaibigan ko, wala nga akong pera pambili ng sarili kong Christmas outfit (eh sobrang mahal lang talaga dito sa Costa Rica) pero at least, andito ako sa mission area ko. Andito ako sa isang lugar kung saaan gusto ni God na i-celebrate ko ang aking Christmas 2007. Masaya ako dahil kahit hindi ko kasama ang aking pamilya, marami naman akong pamilya dito na kung saan ay pwede akong palipat-lipat ng bahay mula sa bisperas ng Pasko hanggang sa bisperas ng Bagong Taon para kumain. Masaya ako dahil araw-araw, naghihintay lang ako sa kung ano sa Christmas wish list ko ang ibibigay ni God sa araw na iyon (tulad na lang ng isang gabi, tumawag si Marie para sabihing magho-hot springs kami kinabukasan; o kaya ang makahanap ka ng 50% off na Paulo Coelho book, in English at brand-new!) Masaya ako dahil araw-araw ako nakakapag-mass, kahit na minsan hindi ko naiintindihan lahat ng sinasabi ng Pari sa Español. Masaya ako dahil mas na-appreciate ko ang mga Christmas carols at walang sawang kinakanta ito para maramdaman lang namin ni Marie yung Pinoy Christmas spirit. Masaya ako dahil may nag-share sa akin na isang member kung paano ko siya na-inspire at ang buong pamilya nila, kung paano ko naipakilala sa kanila si Kristo ng hindi ko na minsan kinakailangan magsalita. Masaya ako dahil nalaman ko na sa mga simpleng paraan, eh nagagawa ko ang aking misyon na ipakilala si Kristo sa ibang tao. Masaya ako dahil nung nag gift-giving kami sa mga bata sa isang probinsiya, walang salita o camera ang pwedeng kumuha nung saya at ngiti sa mga mukha ng mga bata. At masaya ako dahil payapa ang puso ko na hindi pinapabayaan ng Diyos ang pamilya ko.

 

Na-miss ko man ang menudo ng nanay ko, o kaya naman ang mga paborito kong artista sa ABS, okay lang ako. Kung eto ang aking first Christmas away from home, di bale, next year, yun naman ang aking last Christmas away from home. Mabilis lang iyon. Baka paggising ko sa isang araw, naka-isang taon na pala ako dito sa mission, dko lang namamalayan.

 

Sa ngayon, ipagpapalit ko muna ang napaka-sarap na puto bumbong at bibingka sa sandamakmak na tamales na may iba’t-ibang flavor. Kapalit ng mga Pinoy Christmas carols, eh pinagtitiyagaan ko na lang ang feliz Navidad at pinag-aaralan ang Spanish version ng Jingle Bells, Joy to the World at O Holy Night. At dahil walang simbang gabi, ini-enjoy ko na lang ang mga simbang umaga o gabi sabay ng pagsindi ng kandila. Ika nga nila, just make the best out of it. Kaya MALIGAYANG PASKO sa lahat ng nagbasa at nakaintindi ng maikling kwento ko. Sana ay maging masaya at mapayapa ang inyong Pasko kasama ng inyong pamilya!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s