sa wakas, nakauwi na rin!

pagkatapos ng 2 linggo ng mission trip sa 2 province, sa wakas nakauwi na rin kami sa aming “casa de mision”!

wala ng sandamakmak na gallo pinto (kanin na may beans) at beans na pilit na ipapakain sa iyo; wala ng isang arinolang kape na kelangan mong inumin dahil nakakahiyang humindi; at wala ng mga lamok na kusang humahanap ng lugar sa aktawan mo na hindi mo nalagayan ng insect repellant!

pero masaya naman ang 2 linggo na iyon. sa youth retreat na ginawa namin sa Liberia, 86 youth ang umattend. kahit andaming problema at oppressions, si God pa rin ang nanalo. at may mga potential leaders na nag-shine ng dahil sa mga problema! (go, go luis and ali!)

nag-pastoral visit din kami ng mga households ng youth, singles and couples. planning para sa star camp ng kids. at bonding with the handmaids! aba, all around ito!

sobrang favorite ko ang mga provincial mission areas namin dahil andun yung fire, yung passion to serve, at makikita mo talaga yung love nila kay God. sobra akong inspire dun sa isang brother, si Christian, na kahit nag-iisa lang siyang brother sa household nila ng 10 sisters, tuloy pa rin siya sa pag-attend. at ang dream niya ay lumaki ang SFL sa lugar nila.

nakakapagod ang biyahe, minsan uncomfortable sa mga tinitirhan namin, pero sulit naman. sobra-sobra kong dama ang love ni God sa akin.. coz despite of my unworthiness, of my imperfections and my weaknesses, He still chose me to send here in costa Rica to be His bearer of Good News. and everyday, reminding me of His great love and divine mercy by annointing me every morning to be His.

ansaya makabalik sa casa de mision; makakatulog sa sariling kama, makakakain ng gusto mong kainin at makakaligo ng mainit tubig. pero mami-miss ko yung mga tio at tia, mga bata at mga kapatid ko sa mga probinsiya.

di bale, sa susunod na linggo, abbalik kami uli dun paar magbukas ng bagong YFL sa kalapit na simbahan (about 22 kms dun sa unang community) and im sure, adventure na naman ito!

*pasensiya na, sabik lang magsulat sa tagalog. minsan, spanish naman. *wink*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s