8 bagay na natutunan ko sa pagiging tambay sa bahay

Self-diagnosed na ADHD ako. Hindi ako mapakali kapag wala akong ginagawa. O kaya minsan andami kong gustong gawin na ni isa wala akong natatapos. Kahit masy sakit o pagod na, kikilos pa rin ako. Kahit na pipikot na lang bago matulog, hihirit pa ako ng gagawin o kaya ng tanong o kwento.

Tatlong linggo na ako nakatambay sa bahay dahil sa operation ko (pre and post op). Isipin mo na lang kung gaano kahirap para sa akin na hindi ako umalis ng bahay, na hindi ako makagalaw mag-isa o gawin ang mga gusto kong gawin dahil sa kalagayan ko. Nung una, naiinis ako dahil alam kong andami kong kelangan gawin, tapusin. Pero naisip ko, teka, ano ba ang message ng pagka-tengga ko sa bahay ng ganito? Kaya nabuo ko itong 8 bagay na natutunan ko sa pagiging tambay sa bahay:

1. Hindi ako si Superwoman. at hindi ako magiging siya kelan man.
Ako kasi yung tipo na ang motto sa buhay eh “as long as I could, I will do it” kahit mag-isa lang ako. Eh dahil bagong opera lang ako, yung mga bagay na ginagawa ko dati eh hindi ko magawa sa ngayon tulad ng  pagpasok sa office at matulog ng kahit anong posisyon sa kama. Ang mas nakaka-frustrate niyan nung mga unang araw pagkatapos ng operation eh yung hindi ako makapag-bihis o makaligo mag-isa, hindi ako makayuko para abutin yung nahulog na kutsara at ang tumayyo at umupo ay kelangan i-asa sa ibang tao dahil hindi ko kaya.

2. May oras para sa lahat ng bagay.
Si God, binigyan tayo ng 24 hours para gawin lahat ng pwedeng gawin natin sa isang araw. Yung pwedeng gawin lang, hindi lahat ay gagawin. Kaya may oras para kumain, para maligo, matulog, mag-pupu, mag-trabaho, makipag-kwentuhan, magdasal, etc. Natutunan ko na ngayon, ay oras ko para magpahinga, magpagaling. I-enjoy ang pag-aalaga ng mga tao sa akin. Na ma-solo ako ni God. Na panuorin ko lahat ng gusto kong Korean movies. Na magmuni-muni. Na matulog hangga’t gusto ko.

3. Ang mga totoong kaibigan ay nandiyan hindi lamang sa masasayang panahon kung di sa mga malulungkot na sitwasyon din.
Masasabi kong friendly ako. Marami akong kilala. Pero hindi ibig sabihin nun, lahat yun, kaibigan ko. Nung na-operahan ako, dun ko lang nakita yung mga tried and tested na friends ko mula highschool hanggang ngayon. Sobra kong na-appreciate yung mga pagtawag, pag-text at pag-email ng mga kaibigan at pamilya ko sa iba’t-ibang parte ng mundo.

4. Kapag tinanong ka kung anong gusto mong pasalubong, wag nang magpa-keme.
Sa totoo lang, amhilig ako magsabi sa mga kaibigan ko ng “pasalubong!” pero ayoko talaga na dinadalhan ako dahil nahihiya ako. Siguro kung kamag-anak ko kayo, okay lang. Sabi kasi nung nanay ko nung lumalaki kami, wag daw ganun. Kaya nung tinatanong ako ng mga bumibisita sa akin kung anong gusto ko na dalhin nila para sa akin, sinasabi ko wag na lang. pero may isa na nagsabi na sabihin ko lang daw kung anong gusto ko dahil yun yung way ng mga kaibigan ko na ipakita yung care nila sa akin at hindi naman daw lagi ako may sakit kaya grab the chance na lang daw.

5. Na ang aking 85-year old lola ay mas malakas pa sa kanyang 26-year old apo na bagong opera
Yung unang lunes na walang pwede magbantay sa akin, nag-offer ang aking lola na bantayan ako. Sa totoo lang, ayoko talaga dahil nga kagagaling lang sa hospital ng lola ko nung March at ako pa ang nagbantay nun. Syempre, hindi ko maialis na mag-alala ako para sa kanya. Pero sabi nga ng tita ko, wag mong i-underestimate ang kakayahan ng lola mo. At tama nga, bago siya pumunta sa bahay nung umaga na iyon, naglaba muna siya sa kanila, tapos s abahay namin, naghugas ng plato at talagang inalagaan niya ako na parang nurse. At ninais pang mag-garden! Buti na lang napigilan ko at nagpapigil naman siya kugn hindi eh baka 2 na kami na naitakbo uli sa hospital nun.

6. Na ang pagiging misionero ay hindi lamang kapag nasa field work ka. Ang pagiging misionero ay 24/7 kahit nasaan ka pa.
Aaminin ko na nung una, inis na inis ako dahil hindi ko magawa yung trabaho ko bilang misionero: mag-mission trip, umattend ng mga activities, mag-one to ones ng mga tao, makipag-fellowship sa mga kapwa misionero, mag-household. Pero isang araw, habang nagdadasal ako, sabi lang sa akin ni God na ang buhay misionero ay hindi dahil sa mga ginagawa ko, kung hindi paano ko ito isinasabuhay. At hindi sa ganung paraan lang pwede  mag-evangelize; naimbento ang technology para gawing mas madali ang buhay. Sa pamamagitan ng texts, blogs, tawag at sa mga sharings sa pamilya (na sila naman, shina-share nila sa mga kaibigan nila.)

7. Na kahit bagong opera ako, at kahit gaano man kasakit ang nararamdaman ko, nakukuha ko pa ring dumaldal.
Siguro dahil ipinaglihi ako sa dila ng baka. haha Naalala kong pinagalitan ako ng nurse pagkalabas ng recovery room dahil nagsalita ako, eh hindi pa pala pwede dahil kakabagan ako. Kaya nung gabi, naka-ilang pain reliever ako dahil sa kabag at sa tahi ko.

8. “I am in the most perfect time and situation in my life”.
Naisip ko lang na lahat ng bagay sa buhay natin nangyayari dahil may dahilan. At naniniwala ako na kung nasaan man ako ngayon, ay dahil in-allow ni God na mangyari yun. Kaya dapat i-enjoy lang natin kung nasaan man tayo, masaya man o hindi, dahil sa huli may matututunan tayo dun.

May mga times na nagpa-panic pa rin ako dahil feeling ko na overstay na ako sa bahay, na ang tamad-tamad ko at gusto ko ng bumalik sa trabaho. pero kapag nakikita ko yung tahi ko, kapag nararamdaman ko na masakit pa rin kumilos mag-isa, naaalala ko na tinatawag ako ngayon na magpahinga, magpagaling at magpalakas. Naniniwala kasi ako na eto yung way ni God para tawagin niya yung atensiyon ko at i-pamper ako. Kaya enjoy lang! =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s