isang dekada

Isang dekada na ako bilang miyembro ng isang komunidad: ang Couples For Christ (na ngayon ay CFC-FFL na). Naalala ko kung paano kami ng ate ko pinilit ng magulang namin para umattend ng YFC Youth Camp. Naku, tinulugan ko lang yung mga talks. Buti na lang magaganda yung mga kanta at madaldal yung facilitator ko dahil kung hindi, nag-walk out na talaga ako sa camp na yun.

Marami na rin ako nagawa at napuntahan ng dahil sa pagiging parte ng community na ito. Andiyan yung nakakilala ako ng iba’t-ibang klase ng tao sa iba’t-ibang lugar; nakapag-lead ng iba’t-ibang klase ng activites; nakapunta sa mission trips dito sa Pilipinas, sa U.S. at sa Latin America; natutong magsalita ng ibang linggwahe at natutong makihalubilo sa ibang kultura; at talagang na-stretch ako, na-mold ako, nalaman ko na marami pa pala ako pwedeng gawin na hindi ko naisip na magagawa ko dati.

Masaya ako sa naging buhay ko dito sa community hindi lang dahil sa mga activities na naranasan ko kung hindi sa mga totoong kaibigan na nakilala ko, kung paano ko pa mas nakilala ang sarili ko at syempre, kung paano ko mas namahal ang Diyos ko, kung paano ko na-experience first hand ang kabutihan niya at kung paano talaga siya naging totoo hindi lang sa akin pero lalo na sa mga tao sa paligid ko.

Hindi ko ma-imagine ang buhay ng wala ako sa community na ito. Hangga’t kaya ko pa, hangga’t may maibigay pa, hangga’t nakikita ko pa ang Diyos ko dito, dito pa rin ako. Excited na ako sa maraming taon pa na pagsisilbihan ko ang Diyos ko sa community na ito. Excited na ako dahil alam ko na sa community na ito makikilala ko yung God’s gift ko at dito na rin kami bubuo ng pamilya. Excited na ako dahil alam ko na marami pang pwedeng i-reveal si God sa akin sa pamamagitan ng community na ito.

Happy 10th Anniversary to me. =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s