>ako ba ang nakalimot o baka ikaw?

>



nakita ko uli ang mga litrato natin nuon.

masaya. makulit. walang problema.
naalala ko bigla yung mga panahon na tayo ay magkasama.
naglalakad sa initan. nilalanghap ang usok ng mga sasakyan.
kumakain sa kanto ng kahit ano. pumupunta kahit saan para makakita ng pagkakatuwaan.
maraming kwentuhan. at tawanan. may malungkot. tungkol sa pamilya. at sa pag-ibig. mga iba’t-ibang lihim. mga kinahihiligan. mga paninindigan. at kinaaabalahan.

hindi ko maidugtong ang mga litratong ito sa kung ano na tyo ngayon.
dati masaya, ngayon tayo’y deadma.
dati lagi magkasama, ngayon ay nag-iiwasan na.
dati ay di magkaugaga sa kwentuhan, ngayon ay parang pader ang kaharap pag magkasama.

anong nangyari sa dati?
sino ba ang nagpabaya?
ako ba?
ikaw ba?
alam ko na marami akong bagay na nakakalimutan.
pero ang mga bagay tulad ng pagkakaibigan, mahirap ata. 
lalo na kung naging masaya kayo dati. o kaya marami na kayong pinagsamahan.

sino ba sa atin ang nakalimot?
ako ba?
o ikaw?
kung sakali ba, maaalala pa ba natin kung anong pagkakaibigan meron tayo nun?
maibabalik kaya?
kung hindi man, kaya ba nating tanggapin
na isa na lamang na mganadang alaala ang lahat?
baka nga. baka nga.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s