Life lessons mula sa paglilinis ng kwarto

Katatapos ko lang maglinis ng kwarto nung January 2, pagkatapos ng apat na araw. Oo, nagulat din ako sa tagal ng paglilinis ko. Dati naman, kaya ng isang araw, pero ngayon tumagal ng ganung katagal. Inisip mo rin siguro kung gaano kalaki kwarto ko; huwag na, matatawa ka lang kapag nalaman mo. Basta isipin mo, mas malaki pa yung banyo niyo (siguro) o sige, kwarto mo na lang (kung meron ka). Pero ayun, baka dahil maraming mga singit na gawain kaya natagalan.

Anyway, sa tagal ng paglilinis ay nakapulot din naman ako ng aral na pwede gamitin sa totoong buhay. Tingnan natin:

1. May mga bagay sa loob ng kwarto ko na kahit ilang beses akong maglinis, ay hindi ko mailagay sa ayos, mahanapan ng tamang pwesto o di kaya nama’y maitapon kahit hindi ko na siya ginagamit. Naisip ko lang, na minsan ganito rin tayo – maraming mga maling nagawa, maling tao, maling desisyon at kung anu-ano pa ang meron tayo. May choice naman tayo na itapon o kalimutan sila; pero wala tayong magawa. Siguro dahil sanay na tayo na andiyan lang sila kaya hindi natin maisipan ng paraan kung ano ang gagawin sa kanila. O di kaya nama’y, alam mo na ang gagawin sa kanila pero wala ka lang lakas ng loob gawin ito. Marami na akong beses na nag-attempt magtapon ng mga di ko na mapakinabangang gamit, pero di ko magawa. Di ko pa kaya. Kaya ang dasal ko ay sana dumating ang panahon na makaya ko, dahil kung hindi, mapupuno ang kwarto ko ng mga bagay na di ko naman kailangan. ganun din sa buhay. Baka mapuno tayo ng mga bagay, tao o pangyayari na di naman natin kailangan kung hindi natin sila kayang i-let go. Kaya magsimula ka na.

2. Minsan naman, kahit gaano kahalaga ang isang bagay sa iyo – dahil mahal ang bili mo dito, o bigay ng isang taong importante sa iyo – ay kailangan mo ng ipamigay sa iba. Hindi dahil sa nawalan na ito ng halaga sa iyo, pero dahil alam mo na mas magagamit ito ng iba. Gaya na lang ng isa kong bag na bigay ng paborito kong estudyante nung nagtuturo pa ako. Laging eto ang gamit ko pagpasok sa trabaho. Antagal kong hinawakan, pinag-isipan kung ipapamigay ko ba o hindi. Hati ako dun sa ibinigay siya sa akin at maganda siya. Pero alam ko na hindi ko na siya magagamit. Kaya kahit malungkot, inilagay ko na siya dun sa lalagyan ko ng mga ipinamimigay na gamit.

Naisip ko ganun din ako – may mga tao na minsa’y nagbigay sa akin ng saya at naging mahalaga para sa akin. Pero at one point, kelangan ko silang i-give up. Hindi dahil sa wala na akong pakielam pero alam ko lang na mas makakabuti sa aming pareho ang ganung set-up. Ibig sabihin, I love them enough to let them go.

3. Pinaglalaanan dapat ng panahon ang paglilinis ng kwarto. Kelangan ng tamang oras para magligpit, magwalis, magpunas ng alikabok, magpalit ng mga kurtina at kobre kama at mag-ayos ng mga gamit. Ganun din sa buhay, kelangan din bigyan ng panahon ang pag-aayos ng mga broken relationships. Hindi pwedeng madaliin, dahil hindi malilinis ang lahat ng dumi – sama ng loob, mga masasamang alaala – at kapag may natira, baka mas matakpan ito ng mas maraming alikabok at mas mahirapan kang linisin .

4. Ang pinaka-mahirap sa paglilinis ay ang pagdesisyong ipamigay ang mga bagay na importante sa iyo (see related point #2). At sa buhay, ang isa sa mga pinakamahirap na gawin ay ang magpaalam sa taong naging importante ng buhay mo.

5. At ang pang-huli, maglagay ng limitasyon kung ano lang ang pwedeng ipasok sa loob ng kwarto. Dapat ay mga bagay lamang na importante at kailangan sa pang-araw-araw. Hindi dapat bumili ng mga bagay dahil sale o dahil naisipan mo lang na BAKA magamit mo in the future. Darating ang panahon na mawawalan ka ng paglalagyan at mare-realize mo na hindi mo naman sila kailangan. Mas nagiging kumplikado ang buhay kapag marami tayong naiisip na importante pero hindi naman natin kailangan.

Ayun. Simple lang naman maglinis ng kwarto. Ayos dito, ayos diyan. Pero kahit nakakapagod at nakakabagot minsan, ang masaya ay napapaisip ka rin kung paano mo maire-relate ito sa buhay mo.

di kaya nasobrahan lang ako sa pagsinghot ng alikabok nito at napa-reflect ako? *wink*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s