Finding Ronibats

Masaya akong nahanap kita muli. Salamat sa aking kaibigang stalker, hinanap ka niya para sa akin.

Naalala ko ang unang beses ng makilala kita. College ako nun. Isa sa mga pinakauna kong nabasa ay eto. At pagktapos nun ay na-adik na ako. Naging kasama ka na sa routine ng pag-check ng emails at pakikipag-chat. Kapag bored, ikaw ang binabasa. Kapag gusto lang maiba, ikaw pa rin ang hinahanap. Para ka ng isang adiksyon, isang habit na hindi ko maiwasang balik-balikan.

Kahit naging busy na ako sa studies at trabaho nung lumaon, sinusubaybayan pa rin kita. Di na nga lang ganon kadalas, pero patuloy pa rin ang pagbasa ko sa mga sinusulat mo.

Hanggang sa isang araw, nawala ka na lang sa cyberspace.

Hinanap kita: sa google, sa peyups, sa friendster, sa multiply. Pero hindi kita mahanap. Pati na rin sa mga blog sites ng mga nagsusulat sa peyups. Pero wala pa rin.

Hanggang sa napagod na akong hanapin ka. Pero kahit ganu’n, alam ko sa sarili ko na isang araw, gusto ko ulit makabasa ng mga sinulat mo.

Lumipas na ang panahon, nakalimutan na kita. Naging busy na rin ako, at marami na ring nangyari. Hanggang nung isang linggo, bigla na lang kita uli naalala.

Pumunta kami ng kaibigan ko sa PGH dahil may binisita kaming isa pang kaibigan. Habang kami ay naglalakad sa loob, bigla na lang niya nabanggit na “Paano Khyme, kung masalubong natin dito si Ronibats?”

Parang may bumbilya na umilaw sa ibabaw ng ulo ko, oo yung parang sa cartoons. “OO nga, dito pala siya nagta-trabaho. Sana magsulat na siya muli” ang sagot ko. Ayun, nangako siya na hahanapin ka niya muli para sa akin.

At totoo nga. Hinanap ka niya. At eto ako ngayon, masaya dahil mababasa ko na uli ang mga sinusulat mo.

Iba na rin ang klase ng iyong pagsusulat. Una, Ingles na siya. Nakakapanibago dahil nakilala kita na puro tagalog ang iyong sinusulat. At ngayon, puro sa mga pasyente mo. Nakakaaliw basahin. Marami pa ring insights. Marami pa ring matututunan.

Haay Ronibats. Hindi ko alam kung kelan ka bumalik sa cyberspace, pero masaya ako na nahanap kita muli. Mas masaya na uli ang pagbabasa ng mga blogs. Kayo lang ni Noringai ang natitirang peyups writers na binabasa ko sa cyberspace. Wish ko pa rin na makilala kayo ng personal. At magpaturo kung paano magsulat. Pero sa ngayon, okay na ako sa ganito; masaya na ako sa pagbabasa ng mga blogs niyo.

Doc Ronibats
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s